"I miss you." 'Yan ang una niyang sinabi pagkasagot ko ng kaniyang tawag. Napangiti naman ako at napabuntong hininga ng malalim. "Sobrang miss na din kita," sagot ko. Para akong maiiyak. Sobra ang epekto niya sa akin na para akong mababaliw sa pagmamahal at pagka-miss sa kaniya. Tatlong linggo na mula ng umalis siya dito. Isang linggo mula noon ay bumalik din sina madam, akala ko kasama siya pero naiwan siya dahil madami siyang kailangan na asikasuhin sa kompanya nila. Parang gusto ko tuloy bumalik sa Manila para lagi ko siyang makita. Pero paano naman ang pag-aaral ko kung aalis ako dito. Tiis na lang muna, sabi nga nina ate, bata pa ako at huwag ko masyadong dibdibin ang nararamdaman ko. Enjoy lang daw ako at go with the flow. Kailangan ko din daw mag-aral para sa future ko at par

