Madilim na ng nakauwi kami, mabuti na lamang at nauna kaming nakauwi kaysa sa mga magulang niya. Kung hindi ay baka magalit na naman sa akin si madam. O malala ay kung mabuking ang relasyon namin ni Carl. "See you later," bulong niya pagkatapos akong halikan sa labi. Kung hindi ko pa siya tinulak ay hindi pa siya lulubay. Umakyat na siya sa taas at dumiretso na din ako sa maids quarter. Naabutan ko sina ate Mely at ate Dona na nakaupo sa dining table habang kumakain ng chocolate. Nakangiti sila sa akin pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto. Namula naman ang mukha ko at nakaramdam ng hiya. Batid kong may alam na sila sa relasyon namin ni sir Carl at kung ano ang mga pinagagagawa namin. "Hello, Scarlet. Gagabihin na daw ng uwi ang mga in laws mo kaya hindi na tayo maghahanda ng ha

