"Buntis ka na kaya?" tanong ni Aki habang nagdadrive. Natawa naman ako sa advance ng isip niya. "Sana," sagot ko naman at nginitian siya. Dinampian ko siya ng halik sabay pisil sa kaniyang pisngi. Nakahawak ang isang kamay niya sa akin habang ang isang kamay niya ay nasa manibela. Clingy na siya noon pero ngayon mas clingy pa siya. Kaya naman ang tatlong araw na bakasyon namin naging tatlong linggo na. Ayos lang naman kay daddy, sinasabi niya na sulitin namin ang bakasyon lalo na at nagkaayos na kami. Kahit tatlong linggo na kami pero parang sobrang miss ko pa din siya. Hanggang ngayon parang hindi pa din ako makapaniwala na maayos na ulit kami. Nakakabaliw talaga magmahal. Ngayon, malaya na naming mahalin ang isa't-isa. Wala ng hahadlang. Kung may hahadlang man ay kakalabanin na

