Chapter 56

1518 Words

Naupo ako sa may buhanginan at pinagmasdan ang papalubog na araw. Ang hampas ng mga alon sa dalampasigan ang nakapagbigay sa akin ng katahimikan at kapayapaan. Mapait akong napangiti habang naiisip ang mga nangyari sa nakaraan. Bumuntong hininga ako at nilagok ang huling laman ng bote ng beer na hawak ko. Isang oras na din akong nandito sa may dalampasigan at nagmumuni-muni. Sa isang private na villa ako tumuloy dito sa Bataan. Ito daw ang pina-book ng makakasama ko. May care taker na naroon kanina at nagdala ng mga stocks na kailangan. Ang tahimik ng paligid. May mga ibang villa sa malapit na may mga tao at nagkakasiyahan. Ang villa na tutuluyan ko lang yata ang tahimik, hindi ko alam kung anong oras ba dadating ang kasama ko. Tumayo na ako at naglakad pabalik ng villa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD