"Pero just miss kasi mag-kaibigan kami before. Kaming tatlo nila Rachel at Chard. Alam mo ‘yun, hindi ba? Naikwento ko sa iyo dati,” paliwanag ni Princess at ngumiti siya sa husband niya na nakatitig sa kaniya. "If you say so. I know your history naman. Naikwento mo na kaya I'm good," tugon ni Geon na ngumiti rin sa wifey niya at tumayo para pumunta sa kusina dahil hindi niya kayang itago ang pagseselos niya. "Saan ka pupunta?" tanong ni Princess na sinundan ng tingin ang husband niya na biglang tumayo. "You want popcorn? I suddenly want to watch a movie," sabi ni Geon at kumuha sa cabinet ng plastic na may laman na raw popcorn at inilagay ito sa microwave. "Sige ba! What movie?" masiglang sagot ni Princess at kinuha ang remote sa maliit na lamesa na nasa harapan niya para ilipat ang s