Pagkaparada ni Alek ng sasakyan niya ay pumasok siya ng bahay at umakyat ng hagdan. Hahawakan na sana niya ang doorknob niya nang napahinto siya at naalala niya na nakita niya si Geon at Chard sa labas ng hospital at mukhang may importanteng pinag-uusapan kaya naman napalingon siya sa kwarto ng kapatid na nasa kabilang side. Samantala si Chard ay nag-iisip habang nakahiga sa kama. But then, he shook his head at sinabi, "No, hindi niya ako mahal kasi kung talagang mahal niya ako, ako ang pipiliin niya at hindi ang Kuya ko. At nu'ng oras na naghiwalay na sila ay kinausap niya ako pero hindi. Nag-asawa siya ulit at kaibigan ko pa." He smirked after the realization hit him. Tahimik ang buong kwarto ni Chard nang makarinig siya ng tatlong katok sa pinto kaya napalingon siya at naupo. "Sino