8 ng umaga nang mag-alarm ang phone sa gilid ng kama pero hindi pa rin nagigising si Alek na mahimbing ang tulog dahil naglasing nga siya kagabi. Hanggang sa 12 na ng tanghali sa orasan at tirik na tirik na ang araw sa labas pero dahil nakabukas ang aircon ay hindi iyon namamalayan ni Alek na tulog pa rin sa kaniyang silid na magulo at dahil sa kagagawan niya kagabi. Ilang saglit lang ay may limang malalakas na katok ang dumating sa pinto na naging dahilan kung bakit gumalaw si Alek at umikot sa kama pero hindi pa rin siya nagigising. Then, limang katok na sunod-sunod ulit ang dumating sa pinto kaya kumunot ang noo ni Alek pero hindi pa rin niya binubuksan ang mga mata niya habang si Sophia sa labas ay nakatayo and patiently waiting sa anak niya na pagbuksan siya pero lumipas ang isang min