Nag-ring ang bell sa University na sumisimbolo na 6 na ng gabi at tapos na ang klase ni Princess. Sumakay ng sasakyan si Princess at nagmaneho nang tumunog ang phone niya dahil tumatawag si Rachel. Sinagot niya ang tawag and put it on the speaker phone since she is driving. "Hello, Sis," masayang bati ni Princess habang nagmamaneho siya. "Kakatapos mo lang sa klase mo?" tanong ni Rachel na lumingon muna sa anak niya na nakikipaglaro sa Ate niya at saka siya lumabas ng bahay at naupo sa kahoy na table. "Oo. Nagmamaneho ako ngayon pauwi. Bakit? May sasabihin ka?" nagtatakang tanong ni Princess dahil na-sense niya ang tono ng pananalita ng kaibigan niya na unusual. "Tawagan na lang kita pagka-uwi mo at baka mapahamak ka pa. Text mo ako kapag nakauwi ka na, ha. Bye," mabilis na binanggit n