"Aba at ang tapang ng apog mo, ah. Kilala mo ba ung sino ako, huh?" matapang na wika ni Sophia na sa tingin niya ay mas mataas siya kaysa kay Rachel since sh have the money and all. "Oo, kilala kita. Ikaw lang naman ang mataporbeng mother ni Alek na dati kong karelasyon na Mama's boy pala," direktang sabi ni Rachel na hindi man lang tinapunan ng tingin si Alek sa gilid. Samantala si Alek ay napaawang ang bibig dahil hindi niya aakalain na iyon ang tingin sa kaniya ni Rachel na hindi niya nagustuhan pero alam niya na iyon ang totoo kaya napagdesisyunan niya na hindi na lang magsalita. "Hoy, babae, ano ngayon kung Mama's boy ang anak ko? At least, ako kaya kong ibigay ang lahat sa kaniya. Eh, ikaw, ano ba ang kaya mong ibigay?" puna ni Sophia na hinamon si Rachel. "Ikaw man ang nanay ni