Lumakas lalo ang iyak ni Rachel nang nailabas niya ang galit niya habang si Princess ay hinahagod ang likod ng kaibigan niya para pakalmahin ito. "Gusto ko sila saktan at makapaghiganti sa kanila pero kapag iniisip ko ang anak ko, hindi ko magawa," gigil na gigil na tinuran ni Rachel na nagpipigil lang para sa ikabubuti ng kaniyang anak. "Tama 'yan, Sis. Don't let your anger get the best of you. Always think of baby Amara. We both know that taking revenge to someone will not make you a winner. Yes, you'll be happy to see them going down but at the end, sinong magsa-suffer? You. So, ang pinakamagandang gawin is to let them and mind your own business. Hayaan mo sila na mai-stress. Ang mahalaga ngayon ay maayos ka at naitatawid mo ang buhay niyo mag-ina. At nandito pa ako kaya just relax, o