Pumasok na ng hospital si Geon after ng encountered nila ng boss niya, then naupo siya pagkadating niya sa Radiation Therapy department para sa treatment niya. Tahimik lang siya na nakaupo at tila nag-iisip nang narinig niya ang pangalan niya na tinawag kaya tumayo na siya at sumunod sa lalaking technologist. Pagkapasok sa LINAC room ay nahiga siya sa matigas na kama at doon ay ipinikit niya ang mga mata niya while the technologist is doing his job inside the operating booth. Mabilis na lumipas ang oras at sa loob lamang ng kalahating oras ay natapos na ang treatment ni Geon. Inalalayan siya ng lalaki tumayo. “Sir, pinapatawag po kayo ni Dr. Abuel,” pagbabalitang sabi ng lalaki. “Okay. Salamat,” magalang at mabait na sagot ni Geon at lumabas na siya ng silid. Maya-maya ay kumatok si G