Habang nag-uusap si Rachel at Geon sa dining ay busy naman sa panonood ang si Nanny Deli at baby Amara. Nang umiyak si baby Amara dahil nauuhaw siya pero dahil hindi siya makapagsalita ay umiyak na lang siya. “Bakit, baby? Bakit?” pag-aalo ni Nanny Deli at itinayo si baby Amara na patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi niya malaman ang gagawin niya dahil hindi niya maintindihan si baby Amara. Pero hindi pa rin tumitigil si baby Amara. Sinubuan na niya ito ng lugaw pero winasiwas lang nito ang mga kamay kaya natapon tuloy ang kutsara sa sahig na naging dahilan kung bakit tumayo siya buhat-buhat ito. Naglakad siya papunta sa kusina para kumuha ng basahan nang napatigil siya dahil sa narinig niya kahit umiiyak si baby Amara sa tenga niya. “Nga pala, may sasabihin ako sa iyo,” mahinang sabi ni R