Gabi na nang nakauwi si Rachel na lumabas ng tricycle at saka nagbayad sa lalaki. "Good evening po!" bati ni Rachel sa dalawang guards at pumasok na siya. "Good evening din sa iyo, Rachel!" bati pabalik ng dalawang guards at hinayaan nila si Rachel na buksan ang maliit na pinto. Maya-maya ay nakarating na si Rachel sa mansyon at pagkapasok niya ay hinanap niya kaagad ang baby niya nang nakakita siya ng pulang tubig na parang dugo kaya dali-dali niya sinundan ito hanggang sa nakarating siya ng kusina at nakita niya si Nanny Deli na naghihiwa ng karne sa bar stool. Nanlaki ang mga mata niya at lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa nasaksihan niya. "Nanny Deli, nasaan ang anak ko?" mahinahon na tanong ni Rachel pero kita sa kaniyang mga mata ang takot para sa anak niya. "Hi, Rachel,"