“You don’t have to do that, Seb. Hindi naman kailangan—” Naputol ang sasabihin ko nang sumingit ang magaling kong kapatid. “She deserves that, ate. She is so rude! Dapat ay hindi ka niya binabastos!” Naka-dekwatro si Isaac habang naka-krus din ang dalawang braso sa kanyang dibdib na para bang siya ang boss dito sa kumpanya. Nandito na kami ni Isaac sa opisina ni Seb. This is my first time being here. Ngayon nga lang din ako nakapunta sa kumpanya niya, kailangan ko pang i-search para malaman ko kung saan. Hindi naman ako nahirapan dahil nasa top search iyon. He has a very large space for his office. Kaming tatlo lang ang nandito kaya para kaming aalog-alog sa malaki niyang opisina. Lalaking-lalaki ang tema at setup. It is black and white theme just like his house. Dahil din kay Seb kay

