“Mochi chocolate ice cream and spaghetti from Mr. Bee, mommy. I want with a lot of cheese and hotdogs po.” Ang guwapong-guwapong mukha ng anak kong si Sol ang nasa screen ng aking cellphone. Nasa grocery store ako ngayon para bumili ng stocks sa bahay at ilan pang kailangan ng kambal tulad ng gatas at diapers. Hindi ko na sila isinama dahil weekends ngayon at tama nga na maraming tao rito sa mall. Kahit din noong nasa New Zealand ay bihira ko lang silang isama kapag mag-grocery dahil masyadong crowded. Parati akong may pangamba na baka bigla silang mawala. “Okay, baby.” “Thank you, mommy. I love you so much.” He blows a kiss and that made me smile immediately. Maya-maya ay sumilip si Luna. Nakiki-agaw rin sa cellphone na hawak ng kanyang kuya. “How about my beautiful Luna? What do

