“So, you are my grandson’s new assistant?” The old woman in front of me slowly moved her eyes from my head to toe, examining my entire being. She is Mrs. Caridad Villarama, Sebastian’s grandmother. Base pa lang sa bihis at tindig niya kanina ay halatang galing na siya sa isang prominenteng pamilya. Nakumpirma ko nga iyon nang malaman ko na abuela pala siya ni Sebastian. He is calling the woman Mamita. I slowly nodded my head. “Yes po, ma’am.” Nandito kami sa receiving area ng opisina ni Mr. Villarama. Nakaupo ang matanda sa harapan ko, si Sebastian naman ay nasa pang-isahang sofa sa gitna. Prente itong nakaupo, samantalang ako ay kanina pang hindi makalunok sa sobrang kaba. “How’s your work here in the company?” She looks cold and stiff. Mula pa kanina noong pumasok siya rito ay hi

