Days and weeks went by quickly. Ang plano ko na gagawing pag-iwas ay tuluyan na ring naputol. Pinagbigyan lang yata ako ng tatlong araw at pagkatapos noon ay wala na. Nakakahalata na si Sebastian na iyon ang plano ko kahit na sinabi ko na sa kanya noon na hindi ko naman siya iniiwasan. Sa mga nagdaang araw ay mas maaga na kung pumunta siya sa condo. Ang mga bata ay gumagawa na rin ng para magtagal kami sa unit kung sakaling wala pa ang kanilang Daddy Sebastian. Sebastian and his abuela became big question marks in my life. Para bang biglang lumaki ang mundo ko simula noong dumating sila, na dati ay halos umiikot lang sa kambal. “Kailan po uli mag-visit si Mamita, daddy?” tanong ni Luna isang araw habang nakasakay kami sa sasakyan. Nasa backseat kaming apat. Si Luna ay nakaupo sa mga h

