Kinabukasan kahit pagod noong hapon ay maaga ulit kaming gumising. Natuloy iyong plano namin ni Sebastian na jet skiing. I must say that, that was one of the most memorable and most exciting experience in my life. Sina Jerico at Hestia muna ang nag-alaga sa kambal, since mula ngayong araw hanggang bukas ay hindi na muna sila lalabas sa kani-kanilang mga kuwarto. Sumusunod lang sila sa kasabihan ng matatanda na ‘wag magkikita kahit isang araw bago ang kasal nila. Nandito na rin halos ang kanilang mga kamag-anak. Intimate wedding ang gaganapin, mga relative at malalapit na kaibigan lang ang imbitado ng dalawang ikakasal. Our plan for today is to go to the club’s playground to let the kids play. Kumain na rin kami bago pa pumunta roon. “Stop eating, twin. Your clothes might not fit on yo

