I just looked at his broad back and shoulders as he turned his back at me. Sumulyap lang siya saglit sa gawi ng kambal bago nagdire-diretso papunta sa banyo. Wala akong nagawa kung hindi bumalik mula sa kinauupuan ko, pero maya’t maya rin ang tayo ko habang hinihintay siya na lumabas. Lumalagaslas ang tubig sa loob kaya siguradong naliligo na siya. “I’m sorry, nabigla lang ako sa mga sinabi ko kanina. Minsan talaga ay—ah, ang pangit!” Mabilis na ginulo ko ang buhok sa frustration. Nag-pa-practice ako ng sasabihin ko sa kanya mamaya paglabas niya ng banyo. It must be so convincing, so he will forgive me. “I want to apologize for everything that I have said. Hindi ko naman sinasadya…” Napailing ako. Parang tunog nangongonsensya pa sa halip na humihingi ng paumanhin. Pabalik-balik

