“And now, for your first kiss as a married couple.” The priest announces and that was the indication for Jerico to pull up Hestia’s veil and sealed their marriage with a kiss. Umugong ang malakas na palakpakan sa buong venue. Lahat ay masayang-masaya para sa dalawa na katatapos lang ikasal. The wedding went well. Ang magical lang ng buong lugar, ‘yong maliit na daan na naghihiwalay sa dalawang pool ay siyang nagsilbing aisle. Napalilibutan ito ng bulaklak at sa dulo ay nandoon naman ang altar. Kapag nakaharap sila sa altar ay kitang-kita rin ang malawak at payapang karagatan. Ang mga principal at secondary sponsors, pati na rin ang iba pang imbitado ay nandito sa kabilang side naman ng pool. “Congratulations!” I mouthed to the newlyweds with a smile on my face. Napapunas ako sa aki

