“Then what else did you do? Your Mr. Ice cream seems so nice, huh?” Tuwang-tuwa si Tita Mommy habang pinakikinggan sina Sol at Luna na nagkukuwento tungkol kay Sebastian. Nandito ulit kaming tatlo ngayon sa Cavite para bumisita sa kanila. Matagal na rin halos noong huling punta namin dito dahil puro videocalls lang sila nagkakausap. Nagpaparinig na ang dalawang matanda kung hindi ba raw namin sila dadalawin man lang. Kaya napagdesisyunan ko na rito muna mag-weekends ang mga bata. Bukas ng hapon na lang kami uuwi dahil kinabukasan ay may pasok na ulit sila. My father and Tita Mommy doesn’t know about him yet. What I mean is the real situation about the three. Hindi pa nila alam na nagkita na ang mag-aama, iyon nga lang ang akala ng mga bata ay hindi pa ganoong kaseryoso ang mga bagay. Pu

