Five years later… In Loving Memory Of Cynthia De Vera Your life was a blessing. You are loved beyond words and missed beyond measures. Malungkot akong napangiti habang binabasa ang nakasulat sa kulay itim na marmol. Tinanggal ko na rin ang ilang tuyong dahon na tumatabing dito at inayos iyong bulaklak na hindi pa naman tuyo pero mukhang noong isang araw pa dinala rito. Siguradong si Papa ang nagdala nito. Noong isang araw kasi ang death anniversary ng aking ina, kaya lang ay hindi ako nakapunta noon. Halatang bagong trimmed din ang mga damo sa paligid ng puntod kung saan ako nakaupo. Hapon na rin kaya hindi na mainit sa puwesto ko. Sa paligid ay may iilan ding mga tao na binibisita ang kanilang mga kaanak o kakilala na namayapa na. “I miss you, Mama. I brought you your favorite

