I was in deep slumber when everything seems to come into its proper places. May sariling galaw ang aking katawan na noong magmulat ang aking mga mata ay mabilis din akong napabalikwas. Alam kong halos lahat ay naiintindihan kung ano ang ibig kong sabihin. Iyon bang nasa himbing ka nang pagkakatulog tapos pakiramdam mo binuhusan ka ng malamig na tubig kahit na hindi naman. “Seb?” Nagpalinga-linga ako sa paligid at halos lukubin ng takot ang aking puso nang hindi ko siya makita. Wala na rin ang mga damit niya na nakakalat kagabi. Hindi ko na iyon naasikaso dahil hindi ko naman siya maiwanan. Sa tuwing magtatangka akong umalis sa tabi niya ay mas lalong humihigpit ang yakap niya sa bewang ko. Ngayon ko lang din napansin na nasa kama pala ako. Sa pagkakatanda ko ay inaalalayan ko kanina s

