“Kahit sa labas na lang po ng village n’yo ako ihatid, Papa. Mayroon naman pong masasakyan na ro’n. Mag-cab na lang po ako hanggang Manila.” Alas singko pa lang ng umaga ay patulak na ako pabalik sa siyudad. Okay, I lost it. Ang plano ko ay magtitigil ako kahit dalawang araw lang sa Cavite, pero hindi ko rin kinaya. Hindi ako matahimik simula noong mabasa ko ang text ni Sebastian. Akala ko ay matitiis ko, at planong ‘wag na lang pansinin ang sinabi niya pero hindi rin ako halos mapalagay. Ni hindi nga ako nakatulog. Hinintay ko lang na mag-umaga bago magpasyang mag-ayos. Iniwan ko pang natutulog si Isaac sa kuwarto ko. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Noong bumaba ako ay gising na sina Papa at Tita Mommy. Maaga rin kasi silang pumupunta sa bakery. Pareho pa silang nagulat noon nang

