“What is that?” Usisa ko kay Tita Lailanie isang umaga. She is my father’s girlfriend. Ilang taon na rin ang nakalilipas simula noong mawala si Mommy kaya naman noong may ipakilala sa akin si Papa na girlfriend niya ay hindi na ako tumutol. I want him to be happy. Araw ng Sabado, wala akong pasok ngayon kaya naisipan kong puntahan siya. Pumasok ako sa kuwarto nila siyempre kumatok muna ako bilang paggalang na rin. Naabutan ko siyang nag-aayos ng mga gamit niya. Iba’t ibang box ang nakakalat sa sahig, tapos napansin ko iyong nakasingit na papel sa isang notebook. Kahapon ay lumipat na siya rito sa bahay namin, at hindi rin ako tutol sa bagay na iyon. At saka, hindi ko naman bahay ito. Sa parents ko. Desisyon pa rin nila ang masusunod. May isang taon na rin yata silang magkasintahan ni

