“Are you okay, mi corazón?” Sebastian kept on asking this the moment we get in in his car. Tipid ang ngiti na sinulyapan ko siya at pagkaraan ay tumango. “Hmm… I am just sleepy.” Mabilis ko ring iniiwas ang tingin sa kanya at mas piniling tumingin sa labas. Nasasaktan ako habang nakikita ang pag-aalala sa kanyang mukha dahil hindi ko masabi ang bagay na tumatakbo at nagpapagulo ngayon sa aking isip. Ni hindi ko nga siya magawang tingnan nang diretso sa mga mata dahil na-gi-guilty ako. Kahit anong kumbinse ko sa sarili na baka mali ang mga haka-haka ko ay parati akong bumabalik sa konklusyon na si Tita Mommy ang siyang mommy ni Sebastian na iniwan sila ilang taon na ang nakalilipas. “Hmm… okay. Magpahinga ka na muna.” Maingat na hinapit niya ang ulo ko palapit sa kanya para kintalan iyo

