NINETY-FOUR

2523 Words

“Gaga ka! Sana sinabi mo kay Mr. Villarama, ihahatid ka naman noon!” Nakasakay na ako sa kotse ni Jerico at kasalukuyang binabagtas ang daan pabalik sa Maynila at kanina pa rin akong nabibingi sa sermon niya. Mabilis naman kausap si Jerico. Madali siyang hingan ng favor, pero dapat ay handa rin ang tainga mo dahil magsasawa ka sa kaingayan niya. “He is busy. Ayoko namang abalahin pa siya.” Hindi ko na sinabi kay Jerico na ang akala ni Sebastian ay hindi ako aalis sa hotel. Tiningnan ko ang laman ng bag ko para isa-isahin kung may naiwan ba ako o ano. My phone is here. The keys. Wallet and cards. “Kung sinabi mo, malamang nanginginig pa ang katawan noon pagsunod sa ‘yo. He will freaking prioritize you. Wala nang pake ‘yon sa iba basta nagsabi ka lang. Head over heels sa ‘yo ‘yong tao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD