NINETY-FIVE

2728 Words

Ilan pang malalim na hangin ang pinakawalan ko bago nagpasyang buksan ang bakal na gate ng aming bahay rito sa Cavite. Sa bawat hakbang ko ay sumasabay ang malakas na hampas ng puso sa loob ng aking dibdib. Ilang distansya lang ang layo ng tarangkahan mula sa aming bahay pero pakiramdam ko ay ang tagal bago ko narating iyon. Bubuksan ko lang ang pinto ay hirap na hirap pa ako. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng pinto nang kusa iyong bumukas. Uh, no. Isang babae ang nagbukas noon na siya ring pakay ko kaya ako pumunta rito. “Sweetie!” Bakas ang gulat sa kanyang magandang mukha nang makita ako, pero kalaunan ay agad ding nakabawi. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap na para bang ang tagal naming hindi nagkita. “Kanina ka pa ba? Bakit hindi ka pumapasok?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD