“What am I going to do? H-hindi ko na alam…” Para akong hinahapo habang nakahiga sa kama. Nakasubsob ang ulo ko sa unan. Akala ko ay naubos na ang luha ko pero hindi pa pala. Nakauwi na ako rito sa bahay ko sa Quezon City. Ang mga oras na kausap ko si Tita Mommy ay tila taon sa tagal. I heard her side. Hindi ko akalain na sa likod ng magagandang ngiti na ipinapakita niya sa amin ay nagtatago roon ang isang nangungulilang ina. My heart is weeping with her. I could feel her pain. Tinutumbasan noon ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras din na iyon. When I was a teen, I opened up everything to her. Mas madaling magsabi sa kanya nang tungkol sa mga nangyayari sa akin noong college ako. Alam niya kung sino ang mga nagtangka sa aking manligaw. Tangka lang dahil wala naman akong kahit na is

