It has been a week since I and Tita Mommy had a conversation. At isang linggo ko na ring itinatago kay Sebastian ang katotohanan. Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya pero parati akong pinangungunahan ng takot. Natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa kanya ay baka tuluyan siyang mawala sa akin. “So you are my sister’s boyfriend? Hmmm…” Nandito ako sa kusina at naririnig ko ang boses ng nakababata kong kapatid… kapatid namin ni Sebastian. Yes, Isaac is currently here with me and he is talking to Sebastian. Iniwan ko silang dalawa sa living area dahil kasalukuyan akong naghahanda ng pagkain namin para ngayong gabi. As much as I want to be with them and join their conversation, I chose to get myself busy. I can’t look at them without feeling guilty. Inihatid siya kanina nina Papa at T

