“I’m sorry, misis. Ikinalulungkot ko po na wala nang heartbeat ang inyong dinadala.” I have heard a lot of hurtful words these past few days, and it does really hurt like hell. I thought that was the extent. Hindi ko aakalain na may isasakit pa pala iyon. And I was not ready at all. Hindi ko napaghandaan. Para itong humahagibis na truck na bigla na lang akong sinagasaan. Marahas akong napailing. “No. You are just kidding right? Hindi totoo ang sinasabi mo, doc.” Ngayon ko hiniling na sana ay nabingi na lang ako para hindi ko narinig iyon. Napapahikbing tumingin ako sa aking impis na tiyan. Ipinatong ko ang aking kamay sa ibabaw noon at pilit na pinakiramdaman ang aking anak. He is just on his second month and… and he already left me. Oh my god! No. Please, not my baby. Hindi ko pa

