ONE HUNDRED EIGHT

2795 Words

Ang mahinang usapan ang nagpabalik sa aking kamalayan. Hirap na hirap pa akong magmulat ng mga mata dahil ramdam ko ang hapdi nito. “Sa tingin ko ay mabuting si Hyacinth na lang ang kausapin mo tungkol doon, Herold. Let’s hear her side and try to understand her. Mahirap din ito para sa kanya.” Ang malumanay ngunit nag-aalalang boses ni Tita Mommy ang unti-unting lumulukob sa aking pandinig. “Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Pakiramdam ko ay wala akong kuwentang ama.” Kasunod ay si Papa na bakas ang pagsisisi sa kanyang boses. I’m sorry, Papa if your princess kept a secret from you. Alam kong huli na para pagsisihan pa iyon pero kahit paano ang nakakapagpalubag ng loob sa akin ay ang malamang naiintindihan niya ako. “Shush, honey. ‘Wag kang magsalita ng ganyan. Hintayin na lan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD