SEVENTY-EIGHT

1431 Words

“Wala man lang akong nasasagap na balita! Wala talagang nagsabi sa akin kahit isa sa inyo! Ang daya-daya n’yo, ha?!” Nandito kami sa isang coffee shop malapit lang din sa flower shop ko. Kasama ko sina Jerico at ang kararating lang na si Chrismel mula sa ilang buwan nilang honeymoon ni Henry. Napagpasyahan naming magkita-kita at dito na lang din mag-almusal. Mag-alas otso pa lang naman, alas diyes pa ang punta ko sa shop. Iyon nga lang ay ang maktol yata ni Chrismel ang magiging agahan ko dahil simula noong makarating siya ay umandar na agad ang bibig niya. Na-miss ko rin ang pinsan kong ito dahil pagkatapos noong kasal ay hindi na ulit kami nagkita. Ngayon nga ay blooming ang babaita, siguro ay may laman na. Aba naman, sa tagal ng honeymoon nilang dalawa ay imposibleng hindi pa naka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD