Magkahawak-kamay kami ni Sebastian habang bumababa sa hagdan at halos pamulahan ako ng mukha nang maabutan si Mamita na naghihintay sa baba. Mabilis na tinawid niya ang pagitan namin at agad na ikinawit ang kamay sa aking braso. “Mukhang napatagal ang inyong pagbibihis, hmmm…” Tunog nang-aasar ang boses ni Mamita lalo na noong napahagikhik siya. Mas lalong nag-init ang aking pisngi. Napatingin ako kay Sebastian para manghingi ng tulong pero nginisian lang ako ng loko. Samantalang siya naman ang may dahilan kung bakit nagtagal kami roon sa kuwarto! “Baka naman pinagod mo, apo. Ikaw, ha? Sinabi ko nga sa ‘yo na gusto ko na ng apo, pero ‘wag mo namang pinapagod ang maganda kong si Hyacinth.” Hinahaplos niya ang buhok ko habang sinesermunan si Sebastian na nasa aking tabi. “I am gentle,

