“Are you not yet done, mi corazón?” Nandito ako sa bathroom. Nakaharap sa salamin habang inaayos ang buhok nang kumatok si Sebastian sa pinto. Tapos na kaming mananghalian at ang sabi ni Mamita ay magpahinga muna kami rito sa kuwarto dahil mamaya raw ay mapapasabak ako sa mahabang kuwentuhan. Naligo lang ako saglit at nagpalit ng damit, tapos mamaya ay bababa na rin kami ni Sebastian. “Just a minute, Seb. Patapos na…” Pinasadahan ko ng tingin ang aking suot. Nakabestida lang ako na kulay puti. Mukha naman iyong presentable. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari kanina. Ang tindi ng takot at kaba ko dahil akala ko talaga ay hindi ako magugustuhan ng lola ni Sebastian. Umabot na nga sa punto na nag-o-overthink ako na baka bigla akong palayasin. Mababaw pa nam

