“There! Doon tayo!” Mabilis na napabalikwas ako sa pagkakaupo at tuwang-tuwa na itinuro ko ang isang ice cream shop. Pakiramdam ko ay nagningning ang aking mga mata nang makita iyon. “Bumalik tayo ro’n, baby! Lumampas na tayo!” Tinapik ko pa ang braso ni Sebastian dahil nalampasan na namin ‘yong shop. Hindi naman siya mabilis magpatakbo, sadyang nahuli ko lang din na nakita ‘yong shop. We Have All The Flavors ang pangalan tapos mayroong design na cone na may scoop na ice cream. Mukhang tamang-tama ang pagpunta namin doon. “Yes, baby. Wait up. U-turn lang ako…” he patiently said. Nangingising tumango ako. Kulang na lang ay pagmadaliin ko siya pero makakapaghintay pa naman ako. Hindi pa naman ako gaanong gutom. Lumayo pa kami nang kaunti para makahanap nang puwedeng likuan. Pumapalakpa

