Sinigurado kong bago ako bumalik sa patio ay walang kahit anong bakas na masasabing umiyak ako. Si Mamita ang unang nakapansin sa akin at agad akong nilapitan. Nag-aalalang hinawakan niya ang magkabila kong kamay. “Okay ka na ba? Do you want me to call a doctor, sweetheart? Oh, no. Why am I even asking?” Sa bilis niyang magsalita ay hindi ko halos masundan iyon. Maya-maya ay napasapo siya sa noo. “Of course, I should call one! Ester, please get the phone—” Handa na sana siyang mag-utos sa mga katiwala kung hindi ko pa siya napigilan. “Mamita.” Marahang pinisil ko ang kanyang balikat. “Okay lang po ako. Hindi n’yo na po kailangan pang mag-abala.” Ngumiti ako sa kanya at saka lang siya kumalma dahil doon. “Hindi naman po masakit iyong napaso sa akin.” Mas masakit po ang puso ko dahil

