Pinanood ko si Sebastian na walang imik na nagpunta sa sink. Mabilis siyang kumuha ng tissue na nandoon at halos mapasinghap ako nang makita mismo ng dalawang mata ko kung paano niyang iluwa sa tissue ang isinubo kong pagkain. Para bang diring-diri siya roon. Pagkatapos ay naghugas siya ng kamay at bibig. Bawat lagaslas ng tubig ay nagpapasakit sa aking puso. Nagsisikip ang dibdib ko sa tanawing iyon habang nababalot ng katanungan ang aking utak. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paanong biglang napunta sa ganito. Tatayo na sana ako para sundan si Sebastian pero bago pa makaalis sa upuan ay naglalakad na siyang muli pabalik sa akin. Akala ko ay hihinto siya at magpapaliwanag kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya ngunit tuluyang nahulog ang puso ko sa mal

