Chapter 45 3rd Person's POV Maaga pa lang inaabangan na nina Gaizer, Wax at Miguel ang live performance ng Ikigai at TK. "Wow, ang daming tao," ani ni Miguel matapos makita mula sa camera ang madaming ilaw at milyon-milyong tao ang pumunta. Sa lahat ng channel halos ang Ikigai at TK lang ang laman ng news. May iba din naman na performer pero ang dalawang boy band lang talaga ang pinagtuunan ng pansin ng mga manonood at media. Maya-maya dumating si Bazile. May dala itong tray na may laman na popcorn at french fries. "Kyaah! The best ka talaga Bazile! Hihi," ani ni Wax matapos kuhanin ang isang mangkok na may laman na popcorn. Hindi umimik si Bazile at tumabi na lang kay Gaizer na binigyan naman siya ng space. "Anong oras ang simula? Aga niyo binuksan ang t.v," tanong ni Bazile