Chapter 46 3rd Person's POV; Natahimik ang lahat ng audience sa venue at sina Gaizer na nanonood matapos magsimula ang intro. "Unang kanta ng Ikigai at Tk," ani ni Gaizer na kinatingin nina Wax. "Ha?" "Pamilyar sa akin ang beat," ani ni Gaizer. Sa unang try hindi nag-blend ang beat ng Ikigai at TK. Tumigil ang dalawang grupo ng harapin sila ni Aki at may sinabi ito kina Keehan at sa mga miyembro niya. Huminga ng malalim si Keehan. Nagbilang ito sa isip niya at hinampas ang drum. Sinundan ito ni Lucian at napanganga sina Wax ng magblend nga iyon. Sinumulan ni Aki ang kanta at sinundan ni Apollo. "Gosh, para silang nagdedebate gamit ang music," hindi makapaniwala na sambit ni Wax. Kahit si Gaizer hindi makapaniwala dahil parang bumubuo ng kwento ang dalawang lyrics na p