Chapter 47 3rd Person's POV "Human trafficking?" ani ni Wax na nakakunot ang noo. Yumuko si Miguel at umiling. "Hindi mo matatawag na Human trafficking iyon kung suportado ang gobyerno," ani ni Miguel. Hawak ni Miguel ang litrato bago gumusin iyon. Sinabi nito na binenta siya ng ama dahil sa condition niya. Tumatakbong Mayor ang ama niya nuon at para manalo ginamit siya. Binenta siya at dinala sa underground para ibenta. Ambag na din pumabaor sa ama ang mga nakakataas. "After ko mapunta duon. Sumunod si Gaizer. Siya lang ang batang hindi umiiyak na pumasok duon." "Kinulong din siya at sinuutan ng manipis na damit." "Duon ko nalaman na hindi lang pala ako ang may kondisyon na 'ganon. Apat kami at kaming dalawa lang ni Gaizer ang naging magka-close 'non since naibenta agad ang