Chapter 39 3rd Person's POV Dahil sa mahabang byahe. Pagdating ng lunch pinatulog na ni Grim si Gaizer na hindi naman nagreklamo dahil nakaramdam na din ito ng pagod. Inayos na ng higa ni Grim si Gaizer bago sunod na inayos ang mga bagahe nila. Nilabas ni Grim ang mga gamit nila at nilagay sa closet Inayos din ng binata ang mga gamot para kay Gaizer at nilagay sa iisang drawer. Nang matapos ang lahat. Tumayo na ulit ang binata at hinalikan sa noo ang lalaki na kasalukuyang mahimbing na natutulog. "Sleepwell baby," bulong ni Grim bago hinalikan din ang sinapupunan ni Gaizer. Dahan-dahan na sinara ni Grim ang kwarto bago bumaba para puntahan ang TK na nasa living room. "Kumpleto na ang tatlong batang ama," ani ni Jaxon na ang tinutukoy ay sina Apollo, Elliseo at Grim. "Not