Chapter 40 3rd Person's POV Walang nagsalita sa TK matapos sabihin ni Keehan ang nangyari. Nag-panic kasi ang mga ito ng makita ang tyura nila. "Hindi ka naman nasaktan diba Keehan?" tanong ni Elliseo na kinailing ni Keehan. "That's good. Sugat lang 'yan malayo sa bituka ni Bazile," biro ni Elliseo para pagaanin ang atmosphere. Hinubad ni Bazile ang suot na jacket at damit. Duon nakita ni Keehan na may pasa pa sa bandang tagiliran si Bazile. "Kapag nakita ito ni mommy sigurado na maga-grounded ka ng isa't kalahating taon," ani ni Grim habang nililinisan ang ang braso ng kakambal. "Hindi na ako bata, kuya," bored na sagot ni Bazile na parang wala lang na sumandal sa sofa at uminom ng tubig. "f**k! Bakit binuhusan ng alcohol!" sigaw ni Bazile na nahila ang kamay mula sa pagka