Chapter 28 3rd Person's POV "Ano?" "Dalhin mo ako sa bahay niyo," ulit ni Gaizer kay Bazile. "Hindi pwede Gaizer. Hindi mo kilala ang pamilya ko at—." "Hindi ako uupo na lang at hihintayin si Grim. Isang buwan na siya hindi bumabalik tama na 'yon." "Dadalhin mo ako 'don o hindi kita ipapakilala na uncle sa baby ko," asar na sambit ni Gaizer. Napalabi si Bazile bago bumuga ng hangin at napakamot sa ulo. "Fine, dadalhin kita." "Okay! Maliligo na ako," ani ni Gaizer na biglang na-excite. Mabilis nito tinungo ang kwarto at nag-shower. Nang matapos siya maligo. Pumili na siya ng susuutin. Isang black t-shirt, manipis na jacket at pajama. Lahat iyon cotton kaya hindi nag-aalala si Gaizer na maipit ang baby. Bumagsak ang balikat ni Gaizer dahil halata na ang tiyan niya. Masasabiha