Chapter 29 3rd Person's POV "Anong expression 'yong kanina?" tanong ni Grim na kinatingin ni Gaizer. Hindi na nakauwi sina Gaizer dahil ayaw na sila paalisin ng mga Vergara lalo na siya. Iniwan siya muna ng mga ito sa kwarto para makapag-pahinga kasama si Grim. Tuwang-tuwa sila sa baby lalo na ang matandang Vergara. "About sa kasal. Parang ayaw mo magpakasal sa akin," ani ni Grim. Napakamot sa Gaizer sa ulo baka umayos ng upo. Binuka nito ang mga kamay. Agad naman lumapit si Grim at kinulong ang sarili duon matapos siguraduhin na hindi maiipit ang baby. "Ayoko agad magpakasal pero hindi ibig sabihin 'non ayoko magpakasal sayo. Gusto ko magpakasal after mailabas si baby at siya ang maging ring barrier natin or flower girl kapag babae." "Ayoko magpakasal na mukha akong butete.