Kabanata 26 Haze's mind is blank. Nakaupo siya sa may pasilyo at nakatingin kay Lacey. Naroon iyon sa may emergency room habang si Tina ay ini-eksamin. “We have to check him. If you said that he was hit by a baseball bat, baka may damage sa loob ng katawan niya,” anang duktor. “Opo doc, pakigawa niyo po lahat ng test. Magbabayad ho kami,” anaman ni Lacey at walang tigil sa pag-iyak. Tumalikod na si Dr. Brown pero ang dalaga ay nakatunganga pa rin, umiiyak ng may tunog. Maya-maya ay naglakad ito papalapit sa kanya pero walang tigil sa kakaparoon at parito. Magkasiklop ang mga kamay nito sa may bibig at walang tigil ang paglalakad sa mismong harap niya. Hindi siya nakatiis kaya hinawakan niya ito sa baywang at sapilitan na iniupo. He looked at her. Sige naman ang galaw ng mga h