Kabanata 27 Sinalubong kaagad ni Frances si Lacey nang makita siyang bumaba sa sasakyan ni Haze. “Babye,” aniya sa binata na tumango sa kanya. “Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Frances sa kanya at inaayos ang buhok niya. “Nagkaroon ng emergency iyong kaibigan ko, Ate France. Nasa ospital siya ngayon. Asan sina Mama?” “Umalis, pupunta raw sa simbahan saka ang Papa mo. Ako lang ang nandito. Nasa duktor sina Rodney at si Sylvia. Halika na at maligo ka. Ang itsura mo, may mga dugo ka pa.” Akay siya nito papasok ng bahay. Nilingon niya si Haze at naroon pa rin ang kotse nun sa may gate. Nang makapasok sila ay saka lang iyon umalis. Gusto na niyang isipin na totoong kabaitan na ang pinakikita nun sa kanila. “Halika, ihahanda kita ng gamit,” ani Frances sa kanya kaya sumunod na