Kabanata 18 Sa Hermosa-Valle Law Firm napadpad sina Lacey. Ayaw niya sana ng pumunta roon dahil baka makaabala siya kay Donya Smile, kaya lang naisip na rin niya na kailangan na rin niyang lubus-lubusin ang pag-asikaso dahil magpapasukan na ulit. “Nakakahiya. Diyos ko,” bulalas niya, tutop ang dalawang pisngi. Nasa loob pa rin siya ng SUV, nakatingin sa building na pag-aari ni Donya Smile. “Huwag ka ng mahiya. Baba na,” ani Rodney sa kanya. Napilitan na rin siyang kumilos kahit na nag-aalangan siya. Bumaba siya at naglakad papunta sa entrance ng building pero hindi pa man lang siya gaanong nakakalapit ay bumukas na ang pintuan at lumabas doon si Donya Smile. “Good afternoon po, Donya Smile,” bati niya sa matandang babae na parang aligaga ang mukha pero ngumiti pa rin. Nagmano