Kabanata 35 Inilibot ni Haze ang mga mata sa paligid niya. Nakangiti ang mga tauhan niya sa nakita. Damn! Did that girl give him a do or die question? She just did. Anong magagawa niya? Ayaw niyang tuluyan iyon na umiwas. Nagpapalamig lang naman siya. Nakukunsensya siya sa mga plinano niya. Gusto naman sana niyang bago siya bumalik ay mas kilala na niya ang sarili niya kaya lang sinugod na siya. Iba rin pala talaga ang isang Lacey Dimagiba, lumalaban nang harapan. At least, bago man lang sila naging totoong magkaayos ay nahiwalayan naman niya si Gwyn at mukhang tanggap naman ng babae dahil nilayasan siya. He doesn’t feel any pain. Mas masakit isipin kung tuluyan na magwo-walkout is Lacey sa buhay niya. He’s really attached to her and so into her. A seventeen-year-old lady got him