Kabanata 36 Pagdating sa bahay ay napatingin si Lacey sa papaalis na naman na sasakyan nila. Sakay nun ang Papa niya at si Sylvia. Saan na naman kaya ang gala ng mga iyon? Ang Mama niya, akala niya ay nakauwi na galing ospital. “Anak, pupuntahan ko ang Mama mo. May pupuntahan kaming dahi niyang kaibigan at gusto raw niyang tulungan,” ani Juanito nang lapitan niya. “E gabi na, Papa.” Napakamot ito sa ulo, “Ewan ko ba naman sa nanay mo. Kapag di ako dumating naku aawayin ako nun. Ito namang si Sylvia magpapadala raw ng pera dun sa pamilya at may sakit iyong apo, saka mamamalengke raw siya ng mga kulang at magmo-mall na rin.” Ngumiti siya at tumango. Wala namang problema na maiwan siya. “Ikaw na ang bahala sa anak ko ha, Heyst. Bantayan mo at huwag mong bubuntisin.” “Papa!” in